wala lang, nagchi-chikahan kami ni jm kahapon ng maalala ko ang mga kabutihang naidulot ng batang si roman sa buhay ko. si roman ay isa sa dalawang batchmate kong tumawag sa kin ng 'ate'. actually, pag matino ako, tawag nya sa kin yun, pero pag medyo basag-ulo mode ako, 'Jessa' na tawag nya sa kin. Di masyadong malambing si Roman, usually tahimik lang sya and mukang masungit. Kaya lagi ko syang sinasabihang ngumiti kahit konti. I deeply apprecialte the times na nag-aadvice sya sa kin or samin ni Cielo. Hanga ako kay roman sa tibay ng loob nya, di ko pa sya nakitang magalit, badtrip, oo, pero galit, hindi pa. Tahimik nga kasi sya, kung galit sya, sinasarili nya lang, patunay nun ang right hand nya. Mabait si Roman, thoughtful sya, naalala ko pag badtrip ako, or pag sad ako, sya yung laging nattyempo na nandun para kumausap sa kin. Naalala ko one time, i was super exhausted na dahil sa preparations para sa Senakulo namin nung March 2007. Sya yung nagcomfort sa kin, at nagsabing, lahat kami napapagod. Lahat ng tao may kanya-kanyang ikinakapagod. that made me realize one thing, lahat ng tao, nay dinadalang mabigat na problema, ang tanong lang dyan, kung pano mo dadalhin yun. Naisip ko, yung mga classmates kong sems, di naman sila immune sa problema eh, pero di evident sa kanilang may problema sila kasi they know how to carry themselves. I don't know Roman well, i am basing this lang on my encounters with him. Pero i am proud of this guy. Very proud, keep it up, 'man.
One trait I learn from Roman is resilience. Parang bamboo plant, sumasabay sa agos, pero hindi nagpapadala pag tinutumba na sya ng hangin. Mabugbog man, tumatayo pa rin. Nappractice ko na ng konti yung resilience. Konting tyaga pa.
I know kung matuloy si Roman sa pagpapari, magiging magaling syang Salesian. mabuti kasi syang tao, great faith: check, great personality: check, good heart: check! o diba. Swerte ko sa "batchmates" ko, di kasi ako napapariwara pag kasama ko sila, i think it is a good thing na pag may naiisip akong kalokohan, naiisip ko kung anong sasabihin nila pag nalaman nila, kaya napipigilan ako, kaya everyday i pray for them eh, kasi they keep me sane. hehehe!
pag kakamustahin ko si roman, lagi lang nyang sagot, "Eto, buhay pa." Minsan nakakainis, and minsan super predictable na ito ang isasagot nya, parang ang babaw ng dating sa kin nung una, pero kung iisipin, tama naman, buhay pa tayo, and it is something to be thankful for. We have the chance to make today better than yesterday, We have the opportunity to see the world one more, yeah, siguro our worlds are not as pretty as we want them to be, pero sabi nga ni roman, "Nasa pagdadala lang yan."
Wednesday, July 23, 2008
"Nasa pagdadala lang yan..."
Posted by maye at 11:55 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment